Abante Tonite Interactive

Sentensyador na may camera sa katawan malaking bagay

155

Mga kasabong napapanood niyo ba ang 2019 World Pitmaster Cup 9-Stag International Derby?

Napansin niyo ba na may camera sa katawan ang sentensyador? Ang galing ‘di ba?

Dito makikita natin nang malapitan ang sentensya at pagkakaryo ng sentensyador sa mga sabungan.

Nakaraan napanood ko, may isang sultada na dineklara ng sentensyador na tabla ang laban dahil isang tuka lang, maayos naman ang pagkakasabi ng may-ari ng manok na tumuka, sabi niya nakadalawang tuka raw manok niya.
Pero nang inulit ang video, nakitang dalawang tuka nga kaya dinesisyunan ng management na talo.

Natapos nang naayos ang sultada, mabuti na lang at may camera.

Pero siyempre walang sisihan kasi tao lang naman ang sentensyador.
***
Medyo kinapos ako nitong Martes, maayos at maganda naman ang paghanda namin sa mga warrior namin, pero sadyang magagaling ang mga nakalaban namin sa finals ng King Slasher Cup I, 6-Stag derby na ginanap sa Bungcag Cockpit, Dingras, Ilocos Norte.

Three-points lang kami, pero masaya na rin dahil nakalaban namin yung nag-solo champion (6 pts.) at dalawang runner-ups na may iskor na tiglimang puntos. Bawi na lang at marami pang mga derby na mga sasalihan.

Salamat sa mga Boss sa King Slasher na naroon sa venue, ilang beses ko silang nilapitan para magtanong at maayos silang tumugon, Mabuhay po kayo “King Slasher!”