Abante Tonite Interactive

Sentro ng gobyerno ilipat sa New Clark City — Gatchalian

379

Para mabawasan ang patuloy na paglala na trapiko sa Metro Manila, itinutulak ni Senador Win Gatchalin na ilipat ang national government sa New Clark City sa Tarlac sa 2030.

“With our economy growing at 6% on the average and the rise of middle-income fami­lies who have the capacity to buy new vehicles, we need to move the seat of government to a new place to relieve Metro Manila of its traffic and population congestion problems,” sabi ni Gatchalian inihain niyang Senate Bill No. 876.

Ayon sa senador, hindi na umano bago ang paglilipat ng sentro ng gobyerno dahil ginagawa na ito sa ibang bansa kagaya ng United States, South Korea, Brazil, Kazakhstan at Malaysia.

“In the case of the Philippines, the solution lies outside Metro Manila: at the New Clark City located at the Clark Special Economic Zone in Capas, Tarlac,” ani Gatchalian.

Sabi nito, ang kanyang panukala ay isang magandang solusyon para mabawasan ang patuloy na pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila kasabay na paglobo ng populasyon sa Kamayanilaan kung saan ang population ensity ay 20,785 kada pero square kilometer na mas mataas pa sa Mumbai, Pa­ris at
Sa pagtataya ng Phi­lippine Statistics Autho­rity (PSA), na asahang papalo na sa 12.88 mil­yon ang populasyon ng Metro Manila sa 2015 o 1.59 porsiyentong pagtaas kada taon. (Dindo Matining)