Abante Tonite Interactive

Seo Kang Joon nakipag-bonding sa mga Pinoy fan

246

tonite-annyeong-rose-garcia

Dumating sa bansa noong Biyernes, Mayo 24, ang South Korean Star na si Seo Kang Joon. Ilang oras mula pa lang na dumating ito sa NAIA ay dumiretso na siya sa kanyang press conference sa Studio 7 ng GMA Building.

Very timely ang naging pagdating ni Seo Kang Joon sa bansa dahil bukod sa kanyang fan meeting na naganap kagabi, Mayo 25, ay pilot airing naman ng kanyang pinagbibidahang K-drama, ang “Are You Human?” Mapapanood ito sa GMA Telebabad simula bukas nang gabi, pagkatapos ng “Love You Two.”

Hindi lang mga press ang nakaharap ni Seo Kang Joon sa presscon dahil may pakulo na raffle para sa ilang mga fan niya na bumili ng tickets para sa fan meeting na makakasama sa presscon.

Sinagot naman ni Kang Joon ang mga tanong sa kanya ng mga blogger at press sa pamamagitan ng isang Korean-English interpreter. Pero, ibang-iba talaga ang nature ng mga Korean. Very strict at disciplined talaga sila mula sa oras hanggang sa kung ano ang napagkasunduan lang sa event.

First time ng 25-year-old former boy group member na 5uprise na makarating sa Pilipinas kaya tinanong ito kung kabado raw ba na makaharap ang mga Pinoy fan niya.

Sabi naman niya, “It’s not much about nervous, it’s about more of excited because I’ve never met with fans face to face in Manila yet. So, I’m very excited to connect with them, to talk to them, to relate to them, not only as an artist and fan, but as a person and human being.”

Si Kang Joon din ang kumanta ng isa sa mga OST ng “Are You Human” na “You Are My Love.” Although, hindi pa ito nagpa-sampol ng singing voice niya sa presscon. Pero sigurado naman na sa fan meeting ay kinantahan nito ang mga fan.

Katulad ng ibang mga foreign artist na dumarating sa bansa, ang mga salitang ‘mahal kita’ at ‘kumusta ka’ ang ilan sa mga unang Tagalog words na natutunang bigkasin agad ng Korean star.

Tinanong din namin si Kang Joon kung bakit ang Pilipinas ang isa sa mga Asian countries na napili niyang puntahan.

Aniya, “I’ve never been in the Philippines before. This is my first time. A large reason for going here is because I’ve never really met the Filipino fans.”

Si Seo Kang Joon ay unang nabigyan ng break sa “Cheese in the Trap” na ipinalabas din sa GMA-7 noong isang taon at nasundan ngayon ng “Are You Human?” Ginampanan niya ang role ng isang robot/android. Kaya masasabing certified Kapuso nga itong talaga.

May love interest si Kang Joon dito, si Gong Seung-yeon bilang si Kang So-bong na bodyguard niya. Pero later on, makakahalata na isa pala siyang robot.

Magkahalong drama at kilig ang kuwentong ito ng “Are You Human?” na mapapanood ng mga Kapuso simula bukas nang gabi.

***
Han Ji Sun nanampal ng taxi driver

Dahil sa pagiging lasing ng South Korean actress na si Han Ji Sun, sumakay ito ng taxi/cab. Pero ang masaklap, dala siguro ng kalasingan, sinampal nito sa mukha ang driver na nagreklamo, pinukpok pa raw ng thermos ang ulo at pinagmumura.

Sa kuwento, tila pinipilit ng actress na dalhin siya ng cab driver sa isang lugar. Nang nasa police station na raw sila, tuloy-tuloy pa rin sa pagiging bayolente si Han Ji Sun.

Pinag-fine ang actress ng 5 million won (approximately $4,196) at isang taon na probation for obstruction of justice.

Sa statement ng driver, sinabi nitong, “She didn’t contact me at all. I think it’s unfair. I was [treated] like this by a young lady who is younger than my children.”

Ang agency naman ng actress na JWIDE-Company ay nagpa-abot na gusto raw kontakin ang driver, pero hindi lang alam ang contact information nito.
Kasalukuyang may drama si Ji Sun, ang “The Secret Life of My Secretary” pero dahil sa kinasangkutan nito’y napagdesisyunan na tanggalin na ito.

Naglabas ng statement ang SBS sa pangyayaring ito. Nakiusap ng pang-unawa sa mga manonood dahil may mga eksenang nakunan na kasama si Ji Sun na baka maipalabas pa rin.

Narito ang official statement ng SBS:

“We are giving a notice regarding Han Ji Sun’s [appearance] in ‘The Secret Life of My Secretary.’ In the late evening of May 23, the production team was notified about the assault case by [Han Ji Sun’s] agency. The production team was taken aback, and while it was difficult, we went through thorough internal discussion to do our best to sort out the situation. As a result, we came to a conclusion that Han Ji Sun needs to take some time to self-reflect as a public figure and that Han Ji Sun should step down [from the drama].

“Because Han Ji Sun’s character is a supporting role who holds an essential key to the storyline, her appearance in the drama was becoming more frequent. The production team took the gravity of this matter into consideration and decided to make changes to the overall script and edit and delete scenes that show the actress.

“However, the drama is partially pre-made, and filming up to episode 28 has already taken place. Having to film those scenes again will greatly affect other actors and staff members. We ask for your understanding that certain scenes [including Han Ji Sun] may be broadcast for the episodes that have already been filmed. We will try our best to minimize scenes including the actress.

“The production team will do our best to ensure that the rest of the filming will take place smoothly and to pay back viewers with a great production.”