Abante Tonite Interactive

Seo Min Jung kinuyog ng mga Army

206

tonite-annyeong-rose-garcia

Hindi nakaligtas sa “galit” ng mga fan ng BTS si Seo Min Jung. Nakabase ito ngayon sa America kasama ang kanyang mister.

Ang aktres kasi ang naging interpreter ng BTS nang mag-guest sila sa isang American radio show na SiriusXM.

During the recording, binigyan daw ni Min Jung ang bawat miyembro ng BTS ng beanie na nakalagay ang pangalan nila in English and embellished with rhinestones.

Eh, sinabi ng aktres na siya raw ang personal na gumawa nito. As a way of thank you, ipinost ni BTS Jimin ang natanggap na beanie. Nakalagay sa caption ang, “Seo Min Jung sunbaenim, thank you so much for the gift.”

Ni-repost ng aktres sa kanyang Instagram account ang post na ‘yun ni Jimin at nag-thank you rin for appreciating her gift. ‘Yun nga lang, nadiskubre ng ilang Army na hindi pala totoong ang aktres nga ang personal na gumawa ng regalo niya.

Business daw ito ng kaibigan ng aktres at maging ang naturang business owner ay ni-repost din ang IG post ni Jimin. Dahil dito, nagalit ang mga fan at pinagpapaliwanag ang aktres.

Obvious daw na ginamit ng mga ito for promotion of the business ang phenomenal group.

Ending, dinelete ni Min Jung at ng kaibigan niya ang mga post nila.

Vietnamese fan sinorpresa ni Ji Chang Wook

Eksaktong limang araw mula ngayon ay ang paglabas ni Ji Chang Wook mula sa kanyang mandatory military enlistment.

Sa April 27 nakatakdang magtapos si Chang Wook bilang active duty soldier.
Anyway, isang Vietnamese fan niya ang nakatanggap ng sorpresa mula rito nang manood ng isang military musical sa Kwanglim Art Center noong April 16.

Sa kagustuhan ng Vietnamese fan na maiabot nang personal ang inihandang regalo kay Ji Chang Wook, sinubukan nitong maghintay pagkatapos ng performance ng actor.

‘Yun nga lang, nawala ang kanyang purse. Doon nakalagay ang iaabot na regalo kay Ji Chang Wook.

Two days after, naibalik sa Vietnamese fan ang kanyang bag mula sa Gangnam Police District. Nagulat ang fan nang pagbukas niya ng purse ay nakita niya ang handwritten letter sa kanya ng mismong iniidolo.

Isinulat daw ni Chang Wook na, “You must have been startled. Please take care of your purse from now on. Thank you for your gift. Thank you for coming to see the musical. See you next time!!”

Tuwang-tuwa ang Vietnamese fan sa ipinakitang sweetness ni Chang Wook. Ang naturan fan ay kasalukuyang nag-aaral sa South Korea.

Bang Yong-guk nilalabanan ang depresyon

Nag-open-up si Bang Yong-guk, former leader ng B.A.P., tungkol sa kanyang depression.

Sa edad na 29, matagal na raw niyang pinaglalabanan ang sakit na ito kaya noong August 2018 ay nawala na siya sa kanyang agency, ang T.S. Entertainment.

Taong 2015 pa nang ma-diagnosed siya ng pagkakaroon ng panic disorder habang nagpo-promote sila ng B.A.P.

Matagal na raw ang pagkakaroon ng mental issue ng singer. Ayon dito sa naging interview niya sa NME, “When I was younger, I let it pass, not realising it was depression.”

Sabi pa niya, “I’ve always felt a lot of pressure towards myself. Even though I was doing my best, it was like, ‘what are you doing, you should be trying even harder’. When I was younger, I let it pass, not realising it was depression. I also thought maybe I’m too old to get help.”

Sey paniya, “I’ve never felt embarrassed about myself in regards to this. I’m getting treatment and I’m diligent in taking my medication. To be a little more honest, I’ve come to believe that I won’t be able to take myself out of this depression.”

And when asked about their group, B.A.P., sinabi ni Yong-guk na, “I’ve left the company but I don’t think I’ve withdrawn from B.A.P. as I still see myself as B.A.P’s leader. I still believe there’ll be a time when will we make an album together.”