Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Seo Ye Jin na-trauma sa bikini

0 450

Nagti-trending ang leading lady ni Kim Soo Hyun sa tvN’s drama na “It’s Okay not To Be Okay” na si Seo Ye Ji. Ito’y dahil napakaliit ng waistline niya.

Nagugulat ang mga manonood ng drama nila tuwing makikita ang napakaliit na sukat nito. Matangkad si Seo Ye Ji sa height nito na 129 centimeters. Pero ang siste, kahit na almost perfect ang kurba ng kanyang katawan, may isang bagay raw na hindi nito magagawa. Ito’y ang magsuot ng bikini!

Isiniwalat ni Seo Ye Ji ang dahilan nang mag-guest ito sa show na Knowing Brothers.

Noong nag-aaral daw ito sa Spain, pinilit siyang lumangoy ng lola ng tinitirhan niya sa swimming pool. Tumanggi raw siya dahil wala siyang bathing suit.

Pero pinilit pa rin daw siya at sinabing ang suot niyang underwear ay bikini na rin na matatawag. Sinabi pa raw sa kanya na wala namang ibang tao sa pool.

Hanggang sa nakumbinse na nga raw siyang mag-swimming. Pero yun lang, hindi lang pala sila ang tao sa pool. Bigla raw dumagsa ang mga Spanish men.

Ending, siya pa raw ang sinisi ng lola na nagpumilit sa kanyang mag-swimming sila. Maging ang mga lalaki raw ay sinisi pa siya dahil sa suot niya.

At simula raw noon, hindi na siya nagsi-swimming na naka-bathing suit. Inamin nitong nagkaroon siya ng trauma.

At kahit sa mga eksena, never niyang gagawin ang pagsusuot ng bathing suit o bikini.

Leave A Reply

Your email address will not be published.