Abante Tonite Interactive

Seohyun inamin ang kalungkutan

0 205

tonite-annyeong-rose-garcia

Ang pinakabatang miyembro ng sikat na South Korean girl group na Girls Generation ay si Seohyun. Para sa amin siya ang pinakamaganda sa lahat ng miyembro.

Sa edad na 27 wala pa ring nababalita na nakaka-date o naging karelasyon ng singer/actress.

At nang tanungin nga ito sa pagtatapos ng drama niyang “Time” ay nagsalita ito tungkol sa pananaw niya on ‘dating’ sa kanilang mga celebrity.

Ayon kay Seohyun, “I don’t think dating publicly is good to my profession. I feel like it could be distracting for a production since people immersely watch actors when they’re acting. I would not give up my happiness, but I do feel a sense of responsibility.”

At natatawa niyang inamin na minsan nalulungkot din daw siya na it all works for her. Pero aminadong sa ngayon, trabaho talaga ang prayoridad niya.

“To be honest, I feel lonely every day. There are times when I feel lonely, but love isn’t the most important thing in my life. I’m lea­ving it up to the ways of nature, for things to happen naturally, and am not trying to purposely do anything about it.”

Pero inamin nito na kahit paano ay nagma-mature na siya, naiisip din niya ang tungkol dito.

Aniya, “Work used to take up 99 percent in importance, but the older I get, I feel that it’s not good to live my life only clinging to work.

“Because my friends and family also are a part of my life. I don’t think it’s good to solely focus on one thing.”

Ibang usapan naman daw kung kasal na ang usapan. If it’s about getting married, hindi raw niya ito itatago.

Plano rin niya na sa edad 35 o 36 na siya kapag nagpakasal.

“I want to get married when I am 35, 36 years old. If I don’t consider children, then 38 years old. I want to marry as late as possible, after I have achieved my dreams and did things I want to do.”

Obviously, career pa rin ang focus ni Seohyun sa kabila ng 10 taon na ang matagumpay nilang grupo at ang kanyang solo career as an actress-singer.(Rose Garcia)