Abante Tonite Interactive

Seohyun ng Girls’ Generation nakahanap na ng kapalit sa nilayasang agency

By
4,121

LUMIKHA na ng ingay ang balita na hindi na nag-renew sa S.M. Entertainment ang tatlong miyembro ng Girls’ Gene­ration last year.

Sina Tiffany, Sooyoung at Seohyun. Kilala ang Girls’ Generation o SNSD na isa sa pioneer st kila­lang girl group ng South Korea internationally.

Si Seohyun ang ikatlong lead ng grupo kaya marami ang nagulat na katulad ng dalawa pa, nagdesisyon ang mga ito na iwan ang Girls’ Generation.

Pero ngayon lang, lumabas ang balitang may talks na raw na posibleng pumirma na sa bagong agency, ang Fly Up Entertainment na siyang nagma-manage rin ng career nina Lee Bo Young, Choi Kang Hee, Kim Seo Hyung at Yoo In Young.

Ayon naman sa Fly Up Entertainment na lumabas sa soompi.com, may pag-uusap nga raw na nagaganap sa pagitan nila at ni Seohyun pero wala pa raw nabubuong desisyon.

“It is true that we met with Seohyun to discuss signing a contract. However, nothing has been decided yet.”

Nang hindi na mag-renew ng management contract si Seohyun sa S.M. Entertainment, may lumabas na balitang ang plano nito ay mag-put-up na lang ng one person agency. Pero ngayong nakikipag-negotiate siya sa iba, posibleng na-realize daw ng K-pop singer na kailangan pa rin niya ang mga established management. Lalo na pagdating sa acting career niya.