Abante Tonite Interactive

September 21, hindi holiday!

By
10

Hindi holiday ang September 21 kung ‘di ito ay “day of protest”.

Ito ang nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga ikinakasang aktibidad partikular ng anti-Marcos groups sa anibersaryo ng Martial Law declaration sa darating na Huwebes.

Sinabi ng Pangulo na malaya ang lahat ng grupo na magprotesta sa nabanggit na araw, maging ito man ay mula sa makakaliwa o mula sa gobyerno.

Maging siya aniya ay magpoprotesta rin dahil maliit ang kanyang sahod, walang equipments at walang allowance.

Pero nilinaw ng Presidente na suspendido ang trabaho ng mga empleyado sa gobyerno at pasok ng mga estudyante.

“September 21 is not a holiday. I have declared it as a day of protest. Lahat ng gustong magprotesta laban sa
gobyerno, laban sa pulis, military o lahat, magbabaan kayo dyan. Kami na taga-gobyerno, ako magprotesta rin, kasi ang aming sahod maliit, walang equipments, sabay tayong magprotesta sa gobyerno natin,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Idinagdag pa ng Presidente na kung gusto ng mga unyon na sumali ay malaya silang magprotesta, kasama na ang mga ‘red army’ subalit agad itong nagbabala na huwag gumawa ng paglabag sa batas gaya ng paninira ng mga government properties.

“The red army, come down here I will not arrest you. But do not, for the life of me I’m asking you, do not commit crimes. No vandalism, kasi ang police at army sa barracks lang, ang makikita ninyo diyan ang traffic lang,” dagdag pa ng Presidente.