Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Serantes balik ospital

0 92

Bumalik sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City si 1988 Seoul Olympics men’s boxing bronze medalist Leopoldo Serrantes dahil sa dati at matagal na niyang karamdamang pulmonya at sakit sa puso.

Ang Philippine Sports Commission ang nag-tweet Miyerkoles sa kalagayan ng 58-anyos at may taas na 5-2 na bayani ng ‘Pinas sa quadrennial sportsfest. Humihiling din ito ng panalangin para sa paggaling ng retiradong boksingero.

Nakikipag-ugnayan si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson sa PSC para sa pinansiyal na tulong kay Serrantes na minsan na ring naratay at nakapanayam ng Abante TONITE sa naturang ospital. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.