Abante Tonite Interactive

Serb football player arestado sa curfew

356

Inaresto si Serbia soccer player Aleksander Prijovic dahil sa paglabag sa curfew na inilatag para masawata ang pagkalat ng coronavirus na nagiging sanhi ng COVID-19.

Base sa police statement na inilabas noong Sabado, nilambat si Prijovic at 19 na iba pa nang magtipon-tipon sa isang hotel sa Belgrade.

Lantarang paglabag ‘yun sa 5 pm to 5 am lockdown ng bansa.

Naglalaro sa Saudi Arabian club Al Ittihad ang 29-anyos na striker.

Si Prijovic ang pangalawang Serbian international player na lumabag sa state of emergency orders ng bansa.

Nahuli rin si Real Madrid striker Luka Jovic na sinuway ang stay-at-home directive nang dumalo pa sa birthday party ng kanyang girlfriend sa isang café sa Belgrade noong nakaraang buwan.

Bukod sa multa, posible pang maharap sa pagkakakulong nang hanggang tatlong taon ang violators. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad