Abante Tonite Interactive

Serbians ‘di nababahag sa Americans

11

Kung may isang common denomi­nator ang Serbian players papasok sa Olympics basketball Final kontra USA sa Linggo sa Rio, ito ang kanilang self-confidence.

Sinipa ng Serbia ang Australia 87-61 sa second semifinal nitong Biyernes para ihulma ang 2014 FIBA Basketball World Cup Final rematch kontra reigning Olympic champions USA.

Abante ang Americans sa third straight gold-medal game sa Olympics matapos igapang ang 82-76 panalo kontra Spain sa isa pang semis pairing. Dikdikan pa din ang laro ng da­lawang magkaribal na nagtagpo sa last two championship games.

Kinapos ang Serbia sa US 94-91 sa group phase, pero naniniwala si Miroslav Raduljica na walang unbeatable sa Rio. Kahit hindi pa tinatalo ng Serbia ang USA, tinitignan nila ang Rio Olympics Final bilang game-changer.

“They are one of the best teams in the world,” ani Stefan Markovic. “In the first game (preliminary round), we started a little bit scared, but we have learned that you can’t play against them if you are scared. We just need to go out there and play our game.”

Pamilyar na si Raduljica sa Americans. Dinomina pa ng dating Milwaukee Bucks center ang paint kontra USA sa preliminaries para maglista ng 18 points.

Umiskor naman si Klay Thompson ng 22 points sa panalo ng Americans kay Pau Gasol at sa Spaniards.

“This is where we wanted to be,” ani Kevin Durant, tumapos ng 14 points. “We talked about it all summer and to be here for the final game, to win the gold, for all the marbles, we like our chances.”

Pakitang-gilas si US center DeAndre Jordan sa ibinabang 16 rebounds at four blocked shots sahog sa inayudang nine points sa lowest-scoring game ng Americans sa Olympics sapul noong 2004 semifinals nang maka-81 lang sa talo sa Argentina. May 23 si Gasol sa Spain.