Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Serbisyo komunidad nina Aguilar, Wong ihahayag pa

0 237

Bukod sa tig-P20,000 fines at COVID-19 tests, magsasagawa rin ng 30 hours na community service ang mga pasaway na sina Japeth Aguilar at Adrian Wong.

Parte ng parusa ito ng PBA sa dalawa dahil sa paglalaro ng limahan gayong ipinagbabawal pa ang team sports o scrimmages sa kabila ng umiiral na general community quarantine dahil sa coronavirus.

Nakatakda pang isiwalat ni commissioner Willie Marcial kung anong serbisyo ang gagawin ng dalawang basketbolista. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.