Abante Tonite Interactive

Serbisyo ng mga Pinoy pilgrim sa Saudi, pinaganda — Palasyo

By
147

Makatitiyak ng mas maayos na kondisyon at serbisyo ang mga Pilipino Muslim pilgrim na magtutungo sa Saudi Arabia para sa taunang Hajj.

Inanunsiyo ng Malacañang na inayos ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa pamamagitan ng kanilang counterpart sa Saudi Arabia ang mas magaan na gastos at dagdag na biyahe ng eroplano para sa mga magtutungo sa Mecca.

Sinabi ni Presidential Spokesmam Salvador Panelo na dati ay dalawang eroplano lamang ang binibigyan ng landing rights ng Ministry of Hajj, subalit ngayong taon ay pinayagan ng isa pang airline.

Abante Hiring – IT dep

Makakatipid din ng gastos sa pamasahe ng mula P11,000-P30,000 ng mga nais makibahagi sa Hajj.

Tinatayang aabot sa 6,000 hanggang 8,000 na mga Pilipino Muslim pilgrim ang magtutungo sa Mecca ngayong taon.

Para sa akomodasyon ng mga Pilipino Muslim,­ ilalagay sila sa 4-star at 5-star hotel mula sa substandard accommodation na tinutuluyan ng mga ito sa mga nakalipas na toan, batay na rin sa ginawang negosasyon ng NCMF.