Abante Tonite Interactive

Serbisyo ng TNVS, ‘di dapat maapektuhan sa pagbebenta ng Uber

By
2,015

Nanawagan si Senador Grace Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tiyakin na hindi maapektuhan ang serbisyo ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa sinasabing pagbebenta ng Uber ng kanilang operasyon sa Grab.

Ayon kay Poe, bagama’t isa itong business decision, maituturing pa rin itong public interest.

“We all know that thousands of commuters rely on TNVS to ferry them to work and other places of destination. So the most important thing is that service to our commuters will not be disrupted,” giit ni Poe.

Dapat anyang matiyak ng LTFRB na may sapat na bilang ng mga behikulo na magseserbisyo sa publiko.

“LTFRB should ensure that the number of available vehicles to serve the public should at least be maintained and that the only change effected would be the ownership issue and not the service convenience and availability,” pahayag pa ni Poe.

Binigyang-diin ni Poe na kapag mas marami ang player sa merkado, mas magi­ging maayos ang serbisyo sa publiko.

“Perhaps the departure of Uber would open up the market for the entry of local companies into the TNVS market,” dagdag ni Poe.

Sa impormasyon, lahat ng operasyon ng Uber sa rehiyon, kabilang na ang UberEats, ay mapapasakamay na ng Grab kapalit ang stake na 25 hanggang 30 porsiyento sa pinagsamang negosyo.