Abante Tonite Interactive

Serena pinagpraktisan lang si Tatjana

By
156

Nagbigay ng comfort zone si Serena Williams, hindi sa sarili kundi para sa unang biktima niya sa Australian Open.

Martes, laban kay Tatjana Maria ang first match ni Williams sa Melbourne sapul nang sikwatin ang 2017 title habang buntis, at first official match mula nang masilat sa US Open final noong September.

Parang nag-workout lang sa loob ng 49 mi­nutes si Williams bago isinara ang 6-0, 6-2 panalo.

Abante Hiring – IT dep

Palabas na ang dalawa pagkatapos ng match, emosyonal si Maria at parang maiiyak na. Inakbayan siya ni Williams, tinapik sa likod at binulungan. Maya-maya ay maaliwalas na ang German player.

Magkalapit ang bahay ng dalawa sa Flori­da, minsan ay sabay pang naglalaro ang mga anak na babae – ang 16-month-old ni Williams, at 5-year-old ni Maria.

“We do sometimes barbecue together,” lahad ni Maria.

Agaw-eksena sa match ang emerald green jumpsuit ni Williams, parang leotard na kung tawagin niya ay ‘Serena-tard.’
Umangat sa 18-0 ang record ni Williams sa first round ng Aussie Open, most wins overall.

Habol ni Williams ang eighth title sa Melbourne at 24th Slam singles trophy overall para pantayan ang record na koleksiyon ni Margaret Court.