Abante Tonite Interactive

Sereno burado na sa agenda ng Kamara – Umali

By
1,022

Umaasa si Oriental Mindoro Rep. Reynalo Umali na babalik na sa normal ang trabaho ng mga miyembro ng Kamara matapos ang pinal na hatol ng Supreme Court (SC) laban sa napatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Umali, chairman ng House Committee on Justice, parang nabunutan siya ng tinik sa naging desisyon ng SC dahil hindi na nila kaila­ngan pang maghanda sa nakakapagod na Senate trial, kung binaligtad ng High Court ang nauna nilang desisyon sa pagpapatalsik kay Sereno.

Sa botong 8-6, tuluyan nang ibinasura ng SC ang inihaing motion for reconsideration sa naunang desisyon na inilabas noong Mayo 11 na nagpatalsik kay Sereno bilang Chief Justice matapos paboran ang quo warranto case na inihan ng Office of the Solicitor General (OSG).

“I feel so relieve that I need not prepare anymore on the Senate trial. The country will be spared of you know this very divisive issue,” saad ni Umali.