Abante Tonite Interactive

Sereno mas malaki ang kasalanan kesa Corona

By ,
9,468

Mas mabigat ang salto ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno kumpara kay dating chief justice Renato Corona.

Sinabi ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na bagamat parehong nakaladkad ang dalawang punong mahistrado sa usapin ng kani-kanilang statements of assets, liabilities, and net worth (SALN) pero may pagkakaiba umano ang dalawa.

Ang tinutukoy nito ay ang hindi paghahain ng pitong SALNs ni Sereno sa pagitan ng 1986 at 2006 noong hindi pa nanunungkulan si Sereno bilang punong mahistrado.

Sa kaso naman ni Corona, nasilip ang hindi pagdeklara ng nilalaman ng foreign currency account sa SALN nito na paglabag sa section 17, Article XI ng Constitution gayundin sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

“It becomes a bigger offense if it’s the Chief Justice not following the law. Remember, Chief Justice Corona was ousted on that basis. But now it’s even worse, it’s bigger. She never filed a SALN even when she was a mere professor in UP (University of the Philippines) who is required to file a SALN. Mas malaki yung kasalanan niya. Si Corona defective SALN lang…defective dahil kulang daw. Si Justice Sereno hindi nagpa-file. She’s above the law,”paliwanag ni Atienza.

Samantala, may posibilidad na hindi na matuloy ang impeachment trial sa Senado laban kay Sereno.

Ito ang inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kasunod ng pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mas nais nilang hintayin ang aksyon ng Korte Suprema sa quo warranto petition.

Ipinaliwanag ni Drilon na kung aaksyon ang mga mahistrado pabor sa petisyon ni Solicitor General Jose Calida, kahit tutol sila ay wala naman silang magagawa dahil pinakamataas na korte na ang nagdesisyon.

“If the Supreme Court, with its own wise judgment, says we have jurisdiction over the quo warranto and we believe that there is a basis to let the Chief Justice go, so the House of Representatives will not send us the articles of impeachment, so what will we do?” wika ni Drilon.

Sa panig naman ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III, iginiit nito na kung may desisyon na ang High Court ay wala nang dahilan upang iakyat pa sa Senado ang articles of impeachment.

“Kung wala na kaming i-impeach, hindi makakarating sa amin dito eh di hindi na. Kung may mangyayaring ganun (Supreme Court magdesisyon sa quo warranto) bakit pa kami mag-i-impeach. Wala kami i-impeach,” saad nito Sotto.