Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Serial rapist kinorner sa Valenzuela

0 56

Isang mister na nahaharap sa patong-patong na kasong panghalalay ang nadakip sa kanyang kinaroroonan sa Valenzuela City kamakalawa.

Kinilala ni P/Executive Master Sergeant Richard Bautista ng Station Intelligence Branch, ang suspek na si Marvin Sauro, 43, may-asawa, taga-Brgy. Marulas.

Ayon kay Bautista, top 4 most wanted ng Valenzuela City Police ang suspek dahil sa mga kaso nito noong nakaraang taon tulad ng 3 counts of rape, 3 counts of sexual assault, 2 counts of act of lasciviousness sa ilalim ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Wala nang nagawa si Sauro nang dakpin ito ng mga pulis sa kanilang bahay dala ang warrant of arrest. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.