Abante Tonite Interactive

Serious illegal detention at unlawful arrest

By
572

Dear Atty. Claire,

Madalas kong madinig ngayon yung kasong serious illegal detention at unlawful arrest. Ano ba iyong serious illegal detention? Kailan ba masasabi na may unlawful arrest dahil sa ngayon ay ang daming nangyayari na pang aaresto kahit walang warrant… yun iba ay napaplantahan lang ng bawal na drugs o ginagawan lang ng kaso para perahan.
Gumagalang,
Bing

Dear Bing,

Napapanahon ang mga tanong mo dahil sa ito ang madalas mong nadidinig sa mga news ngayon.

Ayon sa Art. 267 ng Revised Penal Code ay maaaring makasuhan ang isang tao ng kidnapping o serious illegal detention kung kanyang sapilitang kinuha ang isang tao at ikinulong o tinanggalan ng laya na makakilos o makagalaw ng malaya.

Ang penalty ay reclusion perpetua hanggang kamatayan (death penalty ia suspended) kung ang mga ­sumusunod ay naganap:

a. Kung ang kidnapping o detention ay tumagal ng higit sa 5 araw.
b. Ginawa na ­nagpanggap o nanggaya na parang may public authority o kapangyarihan na “mag-detain” o magkulong;
c. Kung may ­serious physical injuries na isinagawa sa taong dinukot o ikinulong o may mga pagbabanta na siya ay papatayin;

d. Kung ang dinukot ay isang menor de edad, babae o isang public officer.

Kamatayan naman ang parusa kapag ang kidnapping o detention ay ginawa upang mag extort o manghingi ng pera mula sa biktima o sa ibang tao kahit na hindi nagawa ang mga naunang nabanggit “circumstance” sa pars. a to d.

Unlawful arrest ay isang krimen na ginawa ng isang indibidwal na walang kapangyarihan at walang dahilan, ay nang aresto o nanghuli at nagkulong ng isang tao upang ­dalhin sa mga awtoridad. Kapag sinabi na walang ­dahilan ang paghuli at pagkulong ay lumalabas na maaaring wala namang krimeng ginawa ang ­taong hinuli at kinulong at wala ring dahilan upang dalhin sa mga ­awtoridad. Dahil sa ganitong sitwasyon ay maaaring sampahan din ng kasong krimen na “incriminatory machination” o yung tinatawag na nagtatahi ng storya upang ­magawan ng kaso ang isang hinuli o ikinulong ng walang dahilan.