Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Serna hihirit uli kay Gabuat

0 59

Tiwala si Vince Serna sa astig na simula buhat sa pahinga, at maulit ang tagumpay sa Sindangan sa nakatakdang sumiklab na Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala National Age Group Tennis Circuit nitong Lunes sa Maranding, Lala courts sa Lanao del Norte.

Sinilat nang noo’y unranked Butuan netter si top seed Thomas Gabuat, 6-2, 2-6, 10-6, para sungkitin ang boys’ 18-and-under title dalawang lingo na ang nakalilipas. Pero nagpahinga sa sumunod na dalawang yugto sa Labason at Liloy maghanda sa Group 2 tourney na suportado ng Dunlop.

Rank No. 2 na sa 32-player field na ginigiyahan ni Gabuat, inaasahang itataob ni Serna ang mga karibal sa lower half para sa posibleng engkwento uli sa alas ng Zamboanga Sibugay, na dinomina naman ang 16- at 18-U divisions sa Dipolog, Labason at Liloy sa event handog ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.