Abante Tonite Interactive

Serrano pasok sa slam dunk semis

By
6

Umabante sa Final Four buhat sa walong kalahok si Florencio Serrano sa dunk contest ng 6th International Basketball Federation Under-18 World Cup 2017 sa New Century Global Center sa Chengdu, China.

Nakaiskor ang 17-year-old, 6-foot-11, Pinoy cager ng 48 points sa preliminary round — 25 sa unang dakdak at 23 sa second — noong Biyernes para patuloy na lumaro ngayon sa semifinals matapos mamahinga kahapon.

Katunggali niya para sa titulo o sa gold-silver-bronze medals sina Chinese Haonan Li, Vincent Peeters ng Belgium, at Matej Susec ng Slovenia.

Paparito, kinarga rin ni Serrano ang bansa sa pagtapak naman sa quarterfinals ng men’s cage team division sa 3-1 win-loss eliminations record upang makatapat din mamaya ng 7th seed Team PH ang 12th seed Belgians.