Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Service crew umeskapo sa dukot gang

0 216

SUSI ang plaka ng sasakyang ginamit ng mga suspek upang mahubaran ang kanilang pagkakakilanlan sa tangkang pagdukot sa 19-anyos na service crew sa Bacoor City, Cavite Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Corporal Edilberto Reyes Jr., ng Bacoor City, Cavite, makikipag-ugnayan sila sa Land Transportation Office upang matukoy kung kanino nakapangalan ang pulang Toyota Wigo na ginamit ng tatlong hinihinalang suspek na sakay nito matapos ang tangkang pagdukot sa dalagang service crew ng isang kilalang fastfood chain sa Bacoor City, Cavite.

Tumanggi pang sabihin ni Reyes ang plaka ng nasabing sasakyan habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Sa ulat, alas-2:46 ng madaling araw noong May 23, 2022, naglalakad pauwi ang biktima sa Brgy Bayanan nang pagsapit sa Aglipay church ay huminto sa kanyang harapan ang isang pulang kotse.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bumaba umano ang isa sa mga suspek at tangkang dagitin ang biktima na mabilis kumaripas ng takbo.

Ayon pa kay Reyes, nakuhanan ng video ang pagtakbo ng biktima subalit hindi nahagip ang aktuwal na tangkang pagdukot sa kanya.

Hindi umano kaagad nag-report ang biktima subalit nang mapanood nito ang pagdukot sa isang dalagita sa Marcos Alvarez Ave., sa Las Piñas City ay idinulog na rin sa pulisya ang sinapit.

Inamin din ni Reyes na iniimbestigahan din nila ang anggulong iisang grupo ang tangkang pagdukot sa Bacoor City, Cavite na naunang nangyari sa Las Piñas City. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.