Abante Tonite Interactive

Serye ng KathNiel kukunan sa Mexico

201

Pormal na ipinahayag ng ABS-CBN officially na ang mga popular love teams nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, Liza Soberano and Enrique Gil, and Kim Chiu and Xian Lim, as well as a new team up in Bea Alonzo and Richard Gutierrez ay magkakaroon ng prime time TV series in 2020.

Matapos ang record-breaking movie na “The Hows of Us”, ang award-winning KathNiel ay gagawa ng isang teleserye na kukunan sa Mexico.

Going strong pa rin ang tandem ng KathNiel kahit na kinabog ng KathDen (Kathryn-Alden Rochards) ang record nila sa box-office.

Reunited naman ang LizQuen with box-office director Cathy Garcia-Molina para sa romantic comedy “Make It With You” kung saan ang real-life couple ay gaganap na mga estranghero na magkakakilala at mai-in love sa isa’t isa habang nasa Croatia.

Balik-tambalan din ang KimXi sa “Love Thy Woman” kung saan ka-love triangle nila si Yam Concepcion.

Kaya bang tapatan ni Kim hindi lang ang kaseksihan ni Yam kundi pati ang acting nito?

Kailangan naman mamili ni Bea kina Rafael Rosell at Richard sa “Kahit Minsan Lang”.

Mapipili kaya ni Bea kung sino kina Rafael at Richard ang best actor?

Action drama series naman ang pagbibidahan ni Gerald Anderson titled “A Soldier’s Heart” kung saan makakasama niya sina Elmo Magalona, Nash Aguas, Jerome Ponce, Yves Flores, Vin Abrenica at Carlo Aquino bilang mga comrades niya.

Ronnie ‘di nilayasan ni Sarah

Hindi nilayasan ni Sarah Geronimo si Ronnie Liang sa solo concert nito sa Music Museum last Friday.

Nagpamalas si Ronnie ng kanyang kahusayan sa pagkanta. Sa opening pa lang ay tuwang-tuwa ang fans dahil binanatan niya ang Michael Buble medley. Swak na swak ang Buble songs kay Liang.

Sa kanyang 12 years sa music industry, hindi pa rin nagbabago ang kanyang boses. Mas may kontrol at power. Makikita mo talaga na hindi pinabayaan ng singer-actor ang kanyang boses.

Pina-inlab din niya ang Music Museum sa awiting “Basta’t Kasama Kita”, “Nandito Ako”, at “Ikaw” na binigyan ng Tagalog at Korean version. Nagdagdag-entertainment sina Ella Cruz na swabeng-swabeng humataw at Janine Teñoso na swabeng kumanta.

Ang pinakabongga ay ang pagsuporta ng nag-iisang Sarah G sa concert ni Liang. Kumanta ang dalawa ng “Shallow” at “Liwanag”, na bagong collab song ng dalawa na available na sa Spotify at other digital music platforms.

Kind words ang narinig kay Sarah, puring-puri niya si Liang at sinabi pang, “Kapag magkakaanak ako, gusto ko kamukha ni Ronnie Liang, ang guwapo na, ang ganda pa ng boses. Walang halong biro po ‘yun.”

Kinilig ang Pop Balladeer sa sinabing iyon ng Popstar Royalty. “I’m very grateful kay Sarah G. She’s very kind and humble. Lagi niya akong pinupuri, coming from her ‘di ba. Sinabi ko talaga noon kay Boss Vic na gusto ko siyang makasama sa concert. Ito na nga, nangyari na,” pahayag ni Liang.

“I love you, Ronnie Liang!” sigaw ni Sarah bago lisanin ang stage. Sumagot naman si Ronnie, “I love you too, Sarah G!” Ang “Love x Romance” ay concert ni Ronnie Liang bilang selebrasyon ng kanyang ika-12 sa music industry. Marami pang dapat abangan sa kanya from his music and acting career.

Malapit na rin siyang magtapos bilang piloto at very soon ay makakalipad na. Pangarap niyang isakay sa eroplano ang kanyang pamilya.

Kyline, Derrick, Allen nanguna sa Diamond Golden Awards

Sina Cong. Alfred Vargas, Angelica Jones, Snooky Serna, Patricia Javier, Kyline Alcantara, Derrick Monasterio, Teri Malvar, Alma Concepcion, Allen Dizon at Nathalie Hart ang ilan sa awardees sa Diamond Golden Awards sa ceremonies na ginanap sa grand ballroom ng Marco Polo Hotel Ortigas noong Sunday.

Hindi naman nagpahuli ang ating entertainment editor na si Bossing Roldan Castro dahil siya ay awardee rin sa field of entertainment writing.

Congrats, Bossing Roldan!

Congrats din kina Nonie Nicasio, Rodel Fernando at Cesar Ian Batingal ng Eagle Broadcasting Network sa parangal na kanilang natanggap.