Abante Tonite Interactive

Serye ng pandurukot gamit ang puting van fake news

369

Kinalma ng Philippine National Police (PNP) ang takot ng publiko kaugnay sa serye ng online viral videos ng pandurukot na may kinalaman sa organ harvesting.

Ayon kay Police Brig. Gen. Bernard Banac, maituturing na fake news ang kumakalat na video ng umanoy pagdukot sa 10-taong gulang na bata sa Bulacan. Wala umanong katotohanan ang balita na may nandurukot na sakay ng puting van.

“We also admonish authors of “fake news” circulating in social media platforms of a series of purported abductions by suspects on board a white van,” ayon kay Banac.

Nilinaw nito na nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa ilalim ng pamamahala ni Police Brig. Gen.

Dennis Agustin, kaugnay sa serye ng kumakalat na video ng pandurukot sa mga kabataan sa Bulacan at Cavite at ang nagpalabas ng video na isang fake news. (Vick Aquino)