Abante Tonite Interactive

Serye ng patayan sa bansa makakaapekto sa ekonomiya

By
511

Dapat ay mabilis na kumilos ang PNP at iba pang law enforcement agency upang lutasin ang kasong pagpatay sa pa­ngunguna ng mga lokal na opisyal.

Sa huling mga napatay ay sina Tanauan City, Batangas Ma­yor Antonio Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ang mas masaklap dito, araw pinatay ang dalawang alkalde na kitang-kita ng publiko.

Ipinapakita nang pagpatay sa kay Halili at Bote na walang takot ang mga pumaslang sa dalawang lokal na opisyal.

Iba’t ibang anggulo ang motibo sa nasabing kaso at kasama diyan ang hinala na sadyang pinapatay lalo na si Halili dahil sa pagkakasangkot umano sa iligal na droga.

May mga pagdududa rin na tila kabahagi pa rin ang nasabing pagpatay sa kampanya ng Duterte administration na parang nangyari sa mga pinaghihinalaang drug pushe­r at user.

Pero kung mabilis ang aksiyon, malulutas agad ng PNP ang nasabing mga kaso ng pagpatay ay malalaman na ang motibo at hindi na lalawak pa ang mga espekulasyon na maaaring makaapekto sa ating ekonomiya.

Kung magdudulot kasi ng pangamba sa mga negosyante lalo na ang mga dayuhang mamumuhunan na laganap ang patayan at hindi ligtas sa bansa ay maaaring umat­ras ang mga ito ng kanilang negosyo sa bansa.

Kung mangyayari ito, maaaring makaapekto ito sa ekonomiya sa gitna ng pangamba ng mga negosyante.

Kapag nalutas sa lalong madaling panahon ang nasabing krimen ay mapapanatag na ang kalooban ng mga negosyante at buong sambayanan.

Sana naman ay matigil na ang nasabing pagpaslang dahil maaaring magdulot din ito ng takot sa p­angkaraniwang mamamayan.