Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Seth hinarang sa TV5

0 210

NI: MILDRED BACUD

Masaya ang young actor na si Seth Fedelin dahil soon ay makakapagtrabaho na siya matapos ang matagal na lockdown.

Kahit kasi lumuwag ang lockdown, sa ilalim ng GCQ sa Metro Manila ay hindi pinayagan ang mga indibidwal na may edad na 21 pababa ang lumabas. Masuwerte ang young actor dahil kahit sarado na ang free tv ng ABS CBN, mukhang hindi naman siya pakakawalan ng Star Magic.

Ayon sa aming source, may offer pala si Seth sa TV5 pero tinanggihan daw ito dahil nga sa may gagawin pa rin siyang project sa kanyang mother network kasama na rito ang nabinbing horror movie nila with the Gold Squad.

Ayaw pang pakawalan ng Dos si Seth.

Ang ending ay pinalitan daw siya ng dati ring kasama sa PBB na si Aljon Mendoza.

Leave A Reply

Your email address will not be published.