Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Seth inurirat ang first love ni Andrea

0 131

NI: VINIA VIVAR

Kinilig na naman ang SethDrea fans nang mag-guest sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes sa It’s Showtime last Saturday.

Sa segment na Madlang Pi-Poll ay may tanong tungkol sa first love kaya nagtanungan ang mga host kung sino ang kani-kanilang first love.

Natanong ni Vice si Seth kung sino ang first love nito at sey ng young actor, crush-crush lang daw noong elementary.

Hirit ni Andrea, “hindi ‘yun love, crush lang ‘yun, eh.”

Hindi makasagot si Seth nang tanungin kung sino ang love niya.

Hanggang sa tinanong na ni Seth si Andrea kung sino ang first love nito.

Hindi rin makasagot si Andrea kaya tanong ulit ni Seth, “sino, sino? Sino ‘yung first love? ‘Yung talagang totoong pagmamahal?”

Sumagot na rin finally si Andrea at aniya ay ang lolo niya.

Sabi ni Seth, “bawal ang family.”

Sey naman ni Vice, “dyowa na first love.”

Sagot ni Andrea, “wala pa po akong dyowa, Meme Vice.”

Tinanong ni Vice ang young actress kung hindi pa ba ito nai-in love at sagot naman ni Blythe, “na-in love na.”

Pinutol na ng mga host ang usapan at hindi na inurirat pa ang dalawa’t itinuloy na ang game.

Leave A Reply

Your email address will not be published.