Abante Tonite Interactive

Seth ipinagdasal ni Andrea

236

Ibinuking ng direktor na si Benedict Migue si Andrea Brillantes sa mediacon last Wednesday ng mga digital films na “Wild Little Love” and “Red Silly Shoes”.

Ayon kay direk Benedict na direktor ni Andrea sa “Wild Little Love”, ipinagdasal daw talaga ng young actress na may dumating na Seth Fedelin sa buhay nito.

Si Seth ang kapareha ni Andrea sa “Wild Little Love” na first solo project ng SethDrea love team na as we all know ay unang napanood sa “Kadenang Ginto”.

Kuwento ni direk Benedict, nag-usap daw sila one time ni Andrea at sinabi nga raw nito na kung si Kathryn Bernardo ay may Daniel Padilla, sana ay may dumating din daw na ganu’n sa buhay niya – isang leading man na mabait at may chemistry sila.

At natupad na nga raw ang pangarap ni Andrea dahil makikita raw sa “Wild Little Love” kung gaano katindi ang chemistry ng SethDrea just like KathNiel.

Sabagay, kahit nga sa pagsasalita at kilos ay halos nagkakapareho sina Seth at Daniel na tipong pa-brusko. Pati ang age nila ngayon ng pagsisimula ng love team, parang edad din ng KathNiel noon.

After the Q&A ay nakatsikahan namin ang SethDrea at natatawang pag-amin ni Andrea, “ibinuking kasi ako ni direk.”

When asked kung gusto rin ba nilang marating ang narating ng KathNiel, ayon kay Andrea, siyempre naman daw ay gusto nila.

“Siyempre po kasi matagal na po akong fan ng KathNiel, ipinagdadasal ko rin po na magkaroon ako ng ganu’n (ng Daniel sa buhay niya), so sana po, umabot kami du’n na ganu’n katagal, na marami pong projects, award,” sabi ni Blythe (real name ni Andrea).

Singit naman ni Seth, “8 years? Ganu’n katagal? Trabaho? O sige.”

Natanong din kung matutulad ba sila sa KathNiel na naging sila in the end, ani Andrea, sa ngayon daw ay hindi pa nila ito masasabi.

“Basta, enjoy lang po, ‘yung edad namin ngayon. Kasi, andiyan lang naman ‘yun, eh. Kung para naman po talaga kami sa isa’t isa, eh siguro, kami,” sabi naman ni Seth.

Um-agree naman si Andrea.

Sa presscon ay nakakakilig ang dalawa dahil nagpahayag sila ng pangako na hindi iiwan ang isa’t isa at mananatiling nakasuporta parati sa bawat isa. Nagmistula ngang wedding vows ang sinasabi nina Seth at Andrea dahil habang sinasabi nila ito ay seryoso sila’t nakaharap pa sa isa’t isa.

Samantala, kung sina Andrea at Seth ang bida sa “Wild Little Love”, sina Kyle Echarri at Francine Diaz (KyCine) naman ang tampok sa “Red Silly Shoes”. As we all know, ang apat ay collectively known as The Gold Squad ng “Kadenang Ginto”.

Back to back na mapapanood ngayong Nobyembre ang dalawang digital films sa iWant bilang bahagi ng unang anibersaryo ng nasabing streaming application ng ABS-CBN.

Bukod dito, magkakaroon din ng pagkakataon ang kanilang fans na magpasya kung alin sa dalawang pelikula ang unang mapapanood sa iWant sa pamamagitan ng pagboto sa isang Facebook poll na tatakbo mula Nobyembre 13, 8pm hanggang Nobyembre 22, 10pm.

Karla inaming may bagong BF

May pasabog kahapon si Karla Estrada sa “Magandang Buhay” at ito ay ang pag-amin niya na may boyfriend siya ngayon. Nagsimula ang usapan nang matanong ng mga co-host niyang sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ang bakasyon niya recently sa Japan.

It turned out na kasama pala ni Karla sa nasabing trip ang kanyang boyfriend.

“Okay naman. Bukod sa last year na kasama ko ‘yung mga anak ko na nag-snow kami, nag-Niseko, nag-Japan din, ‘eto ‘yung pinakamasaya na kasama ko ‘yung partner naman,” pag-amin ni Karla.

Kinilig sina Jolina at Melai at nagsigawan ang dalawa at inanunsyo nga nila na opisyal nang in a relationship si Queen Mother.

Ipina-flash din sa TV ang larawan ni Karla at ang non-showbiz boyfriend niya and in fairness, gwapo ang guy.

Sabi ni Karla, deserved naman daw ng guy na ilantad dahil “he’s a very good man.”

Wala nang ibinigay pang detalye si Karla tungkol sa boyfriend. Pero nang bisitahin namin ang kanyang social media account, nakita naming nag-post na pala siya ng larawan nilang dalawa noong Nov. 7.

May mga netizen na nag-comment na tila nakakakilala sa guy at na-mention nila na Jam ang name nito.

Happy rin ang mga netizen for Karla at sey nila, bagay raw ang dalawa. Wish din nila na si Jam na sana ang forever ni Queen Mother.