Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Seth, Matet ‘pinakidnap’ ng alkalde

0 115

NI: ROLDAN CASTRO

Ginawang pain ni Mayor Simon (Nonie Buencamino) ang pamilya ng katiwala niyang si Tomas (Dominic Ochoa) para mapilitan itong linisin ang sikreto ng kanilang pamilya ngayong linggo sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pagkatapos malaman ni Simon ang itinatagong relasyon ng apo niyang si Miguel (RK Bagatsing) sa isang lalaki, uutusan niya si Tomas na patayin ang nobyo ni Miguel na si Diego (Rafael Rosell). Ito ay dahil na rin sa takot ni Simon na maisapubliko ang ugnayan na maaaring makasira sa kampanya ni Miguel bilang alkalde ng Hermoso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil sa kutob niyang tatanggihan siya ng kanyang tauhan, ipapakidnap ng makapangyarihang politiko ang mag-ina ni Tomas na sina Rebecca at Pio (Matet De Leon at Seth Fedelin) para gamitin itong bala sa pagpapasunod kay Tomas. Ito na rin ang paniningil ni Mayor Simon kay Tomas sa pagtatraydor nito sa kanya at pagsuporta kina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz).

Habang wala pang nakakaalam sa lihim ni Miguel, unti-unti namang nadidiskubre ng mamamahayag na si Eva (Mylene Dizon) ang mga ebidensyang magpapatunay na pineke ni Deborah (Eula Valdes) ang himalang pagpapaulan nito ng petal mula sa langit.

Paano makakatakas si Tomas mula sa pangingikil sa kanya ni Mayor Simon? Saan hahantong ang kasakiman at kasamaan nina Simon at Deborah?

Leave A Reply

Your email address will not be published.