Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Seth nahiya kay Coco

0 300

NI: BYX ALMACEN

Maraming nagulat at na-excite nang mapanood sa teaser ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ang dating housemate ng PBB na si Seth Fedelin.

Gagampanan ni Seth ang character ni Macoy na lumaki at nagtatrabaho sa hacienda ni Lito (Richard Gutierrez). Pangarap nitong maging pulis kaya nang malaman niyang mga dating pulis sila Cardo (Coco Martin) ay nagkaroon siya ng interes sa mga ito.

Sa aming panayam sa manager ni Seth na si Mario Colmenares, sinabi niyang guesting lamang ang role ng bagets. Di pa niya ma-disclose kung isa bang kontrabida si Macoy o hindi. Sa teaser kasi ay paghihinalaan mo rin siyang spy.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Seth, masaya siya sa bagong proyektong ito na itinuturing niyang blessing dahil 7 months na rin nang huli siyang mapanood sa panghapong teleseryeng ‘Kadenang Ginto’ .

Sa ngayon ay nasa lock-in taping pa rin Seth sa Leviste Equestrian Park since September 5.

Sa una raw ay nahihiya ng young actor pero masaya raw ka-work ang cast ng FPJAP lalo na si Coco . Tinawag nga niya itong ‘napakabuting kuya’ dahil sa pagiging generous sa kanya pagdating sa pagbibigay ng advice at help sa mga eksena.

Mapapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Leave A Reply

Your email address will not be published.