Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Seth nawindang sa luho ni Andrea

0 787

NI: ARCHIE LIAO
Sa panayam ni Toni Gonzaga sa I Feel U, nausisa si Seth Fedelin tungkol sa regalo niya sa loveteam partner na si Andrea Brillantes noong kaarawan nito.

Nabanggit kasi ng young actress sa interview nito sa vlog ni Dra.Vicki Belo na humihirit ito ng kabayo bilang birthday gift sa kanya ni Seth.

Ayon kay Seth, hindi lang pala kabayo ang gustong regalo ni Andrea para sa kaarawan nito kundi isang blender na 50K ang halaga bilang Christmas gift.

Sey pa niya, hindi praktikal na magregalo ng mamahaling blender sa panahon ng krisis.

“Yung blender na ‘yan, 50k po ‘yung presyo. So, sabi ko sa kaniya, ‘ECQ ngayon, maging praktikal muna tayo. Saka na ‘yung blender blender na ‘yan. Pwede ka naman bumili nu’ng standard lang na blender,” sey ni Seth.

Sa rebelasyon ni Seth, nawindang si Toni sa demands ni Andrea.

Related Posts

“Ano ba ‘yun, may kasama bang sako ng bigas ‘yun or ano? Grabe namang pagkamahal nu’ng blender. Ano bang klaseng blender ‘yan,” tanong ni Toni.

Sinabi naman ni Seth na ang tinutukoy ni Andrea ay ang mamahaling blender na ginagamit sa coffee shops.

Inusisa rin ni Toni ang young actor kung

wooden toy horse raw ba ang gustong regalo ni Andrea mula sa kanya.

Sey ni Seth, totoong buhay na kabayo raw ang lambing sa kanya ni Andrea.

Inurirat naman ng TV host kung may rancho ba ang ka-love team at type nitong magpabili ng kabayo sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.