Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Seth sakalam sa 2 bebot

0 39

NI: ALWIN IGNACIO

Nagkakagulo sina Andrea Brillantes at Francine Diaz dahil sa boylet na itatago natin sa pangalang Seth Fedelin. Ang pogi points nito, raised to tenth power talaga, huh!

May opisyal na bang pahayag ang nagbibinatang may ibang kulay ang mata tungkol sa nagmamarkulyong damdamin ni Blythe? Eh ang pagde-deadmahan in a major, major sa kanilang mga social media site ang dalawang babaing Gold Squad member, si Seth ba talaga ang dapat sisihin at may kasalanan dahil dito?

Ang mga panatiko ni Fedelin, buong-buo ang pananalig sa kanyang IG post na nakalublob siya sa dagat na may pahayag na: “Biruin mo sa laki ng mundo, NATAGPUAN KITA.” Ang pinatutungkulan raw ay si pretty, young miss Diaz na ka-bonding niya sa isang family event kamakailan.

Ang larawang bumulaga sa social media na tila part of the family na si Fedelin ng Diaz clan ang siyang dahilan kung bakit ang mga nene at totoy eh apektadong-apektado sa mga kaganapan.

Sa true lang, kahit pa nga sabihin nating of voting age na nga ba sina Brillantes at Francine, relatively young pa rin sila para magkagulo ng dahil lamang sa isang lalaki.

Ang diva that you love hindi “minamaliit” ang pagiging lalaki at pagkalalaki ni Fedelin. Ang pinupuntos ko lang ang tungkol sa relasyon at romansahan, sa “murang edad” nina Blythe at Diaz. Hindi ito ang dapat na prayoridad nila sa buhay.

Pag-aaral. Pamilya. Karera. Iyan ang dapat nilang pagtuunan ng pansin kesa “magkagalit” dahil lang sa lalaking “winarat” ang ilusyon ng mga humahanga sa tambalang Andrea-Seth.

At sa nagbibinatang si Fedelin, kung talagang may “something” nga sa kanila ni Francine, ngayon niya patunayan sa lahat na lalaking matapang. He must man up and admit the truth. Kasi kung pipiliin niyang mas manahimik dahil nga “private matter” ang closeness nila ni Diaz, tigilan tayo ng mga ganiyang pagpapanggap.

Kung hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang”sinisinta” tama lang siguro na pitikin natin ang betlog ni Seth para mapagtanto niya na hindi siya naglalaro ng bahay-bahayan at mataya-taya, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.