Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Seth wapakels kina Andrea, Ricci

0 84

NI: BETH GELENA

Natanong si Seth Fedelin hinggil sa nangyari sa loveteam ng SethDrea at ang bago niyang kalabtim na si Francine Diaz.

Ayon kay Seth, ang friendship nila ng Gold Squad members — Seth, Kyle, Francine at Andrea — ay going strong pa rin.

“Wala naman kasing issue yun. Kung sino ang gusto ng isang tao, wala namang issue ‘yun. Ang gagawa lang siguro nun ‘yung mga taong nagdedesisyon para sa mga buhay, di ba? Support na lang siyempre. Masaya siya dun so ba’t tayo mangingialam? Masaya sila.”

SM food to go Banner Ad

Denepensahan din ni Seth ang isyu kina Francine at Andrea lalo na sa mga basher ng dalawa.

“Wala namang problemang hindi naaayos. Basta kaming apat, magkakaibigan. Siyempre sa magkakaibigan merong hindi pagkakaintindihan. Hindi naman maiiwasan yun, eh. Pero walang problemang hindi naaayos.

“In the end, nasa isang bahay lang kayo eh. ABS-CBN tayo so lagi tayong magkikita. Basta alam naming apat kung ano yung nangyari, alam namin ‘yung mga dala namin sa loob sa mga puso namin. So nagkakaintindihan kaming apat,” esplika ng aktor.

Para naman sa mga basher ng dalawang aktres, “Paggalang na lang at saka respeto,” pakiusap ni Seth sa mga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.