Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SethDrea nagkakainisan

0 725

Magda-dalawang taon na pala ngayong Abril ang loveteam nina Seth Fedelin and Andrea Brillantes (SethDrea) at sa loob ng panahon ‘yan, aminado ang dalawa na nasa malalim na lebel na ang kanilang friendship.

“Siguro po, para maramdaman din nila kung gaano na kalalim,” sey n Andrea sa Zoom mediacon ng bagong serye ng The Gold Squad na Huwag Kang Mangamba, “nasa point na po na nagkakainisan na kami sa isa’t isa,” sabay-tawa.

Dagdag ng young actress, “ganu’n na kami ka-kumportable sa isa’t isa. Dati kasi, nag-aasaran lang kami, magkatrabaho lang kami. Pero ngayon talaga, iba na ‘yung care namin sa isa’t isa.”

Bukod dito ay nakita rin niya kay Seth na mas nag-mature na ito ngayon kaysa noong bago silang magkakilala.

“Mag nag-grow siya and mas naging gentleman siya, mas naging maalaga siya. Kasi dati, ano lang talaga siya, mapang-asar lang talaga si Ali. Pero ngayon, mas malalim na rin siya bilang tao, ‘yung mga words na ginagamit niya pag naga-advice siya sa ‘kin. ‘Yun.

“Mas lumalim po talaga kasi mas nag-mature rin po kami kaysa sa unang pagkikita namin na ang topic lang namin nu’n, ‘yung mata niya. Pero ngayon, pati ‘yung mga pinagdadaanan namin sa life, nase-share na namin sa isa’t isa. And thankful ako na nakilala ko si Ali (tawagan nila),” sey pa ni Blythe (real name ni Andrea).

“Wow!” reaksyon naman ni Seth sa sinabi ng kanyang ka-loveteam.

As for the young actor, aniya, “sabi nga ni Ali, umabot na sa point na nagkakainisan na kami sa isa’t isa. Ganu’n na po ‘yung bond namin, tapos pag may personal na problema, sa family, ganyan, nandu’n ako, nandiyan siya para pagsabihan namin ang isa’t isa.”

Bukod sa naghihingian sila ng advice sa mga problema nila, kaya na rin daw nilang pagsabihan ang isa’t isa kapag may mga hindi magandang nagagawa.

“Ganu’n na kami kakumportable sa isa’t isa na napagsasabihan na namin ang isa’t isa ‘pag mayroon siyang off na ginagawa, hindi na tino-telerate.

“At saka ganu’n talaga pag totoong kaibigan, ‘yun bang nag-iinisan na kayo,” sabi pa ni Andrea.

When asked kung may discovery pa ba sila sa isa’t isa habang nasa lock-in taping sila ng Huwag Kang Mangamba, ayon sa SethDrea ay wala naman daw at naipakita na nila lahat ang kanilang mga ugali.

Mapapanood na simula Marso 20 sa iWantTFC at Marso 22 naman sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, at Kapamilya Online Live, ang Huwag Kang Mangamba ay mula sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng, Darnel Joy Villaflor at Manny Palo.

Diether naudlot maging piloto

Nagbabalik namang muli si Diether Ocampo via Huwag Kang Mangamba at first time niyang makatrabaho ang The Gold Squad. Aniya ay parang nakikita raw niya ang sarili niya noong nagsisimula pa lang siya sa apat na bagets.

“They’ve been very professional, I really love working with them. I mean, it’s quite a big surprise for me to be working with the new ones, mga ngayon ko lang nakilala, lalo na ‘yung mga Gold Squad and I’m very impressed, you know.

“It reminds me so much of our early days in the industry, kung paano kami nagsisimula and it’s a good reminder, you know, how far we have gone. But of course, marami pa rin kaming dapat na gawin. Kaya nga to be part of this very momentous project, I’m very thankful to Dreamscape Entertainment and ABS-CBN for giving us this opportunity,” ani Diet sa virtual conference.

Natanong din ang aktor kung may pangamba ba sa kanyang pagbabalik at aniya, “hindi naman nangangamba because hindi naman ako nawala. I’ve been busy lang doing my own thing, learning new things kasi sa mga katulad namin, we’re always busy, you know, trying to improve ourselves.”

Dagdag pa niya, “in my case, I’ve been doing some training and conditioning mentally and of course, physically, most importantly, in this challenging time lalo na dahil syempre, may pandemic.”

Bago raw mag-pandemic ay naging busy siya sa painting at mga art exhibits. Bukod dito ay nag-aral din daw siya ng pagpipiloto.

“I was quite busy finishing my flight school, kaya lang because nagkaroon nga ng pandemya so, I was supposed to be getting my full license as a pilot, but you know, because of this challenging times, everyone has to adjust and we’re just doing everything online,” lahad niya.

Nang i-offer daw sa kanya ang HKM ay talagang binasa niya ang script at pinag-aralan ang kanyang role.

“Sa mga katulad namin, hindi pwede na magpabaya. I always have to give something new, contribute sa industry at least in my own capacity para makapagbigay ng kasiyahan sa ating manonood,” sabi ni Diet.

Leave A Reply

Your email address will not be published.