Abante Tonite Interactive

Setyembre 8 holiday na para kay Mama Mary

395

Lusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang panukala na nagdedeklara sa Setyembre 8 bilang special working holiday sa pagdiriwang ng kaarawan ni Blessed Virgin Mary.

Sa botong 19-0, pasado na sa Senado ang House Bill No. 7856 o An Act Declaring September 8 of Every Year a Special Working Holiday in the Entire Country to Commemorate the Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary.

Pinangunahan nina Congressman Rodolfo Fariñas, Marlyn Primicias-Agabas, Joseph Stephen Paudano, Emi Calixto-Rubiano at Gus Tambunting ang pagbuo sa panukala.

Matatandaang no­ong 2017, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Dueterte ang Republic Act 10966 na nagdedeklara naman sa Disyembre 8 bilang special non-working holiday para sa pagdiriwang sa Kapistahan ng Imma­culate Conception.

Ang pista ng Immaculate Conception ay pagdiriwang ng paniniwala na isinilang si Mary nang walang bahid dungis at siya ang napiling ma­ging ina ni Hesukristo.(Dang Samson-Garcia)