Abante Tonite Interactive

Seungri 7 ang kaso

218

Mag-iisang taon na rin simula nang lumabas ang iba’t ibang scandal ng pinaka-maknae ng BigBang na si Seungri.

At sa loob nga ng panahon na naglalabasan ang iba’t ibang akusasyon sa kanya, naging cooperative naman ito sa mga naging imbestigasyon ng police.

At mag-iisang taon na rin simula nang opisyal na ianunsiyo ni Seungri na permanente na siyang aalis sa showbiz. Since then, hindi na nga ito nakikita o napapanood sa kahit anong show o events.

Kahapon lang, January 10, ay nag-file ang prosecution ng panibagong request for a pretrial detention warrant.

Lumabas din na ang Seoul Central District Prosecutors’ Office ay nag-file ng request for a pretrial detention warrant kay Seungri for seven charges.

Ang seven charges na ito ay kinabibilangan ng habitual gambling, violation of the Foreign Exchange Transactions Act, purchasing prostitution services, mediating prostitution services, violation of the Food Sanitation Act, embezzlement, and violation of the Act on Special Cases Concerning the Punishment, etc. of Sexual Crimes.

May previous request na raw ang prosecution for a detention warrant noong May 2019 on five of the charges, pero na-dismiss ng court ang request.

Sa bagong request, kabilang na rito ang habitual gambling and violation of the Foreign Exchange Transactions Act along with the previous five charges.

Magkakaroon ng court questioning para ma-determine ang validity ng pretrial detention warrant sa January 13.

Ilan naman sa mga comment ng netizens, “I get the bad feeling he’s a ponzi for much more powerful people.”

Sabi rin ng isa pang comment: “He attached himself to those people. BigBang always reminded him on public broadcast countless of times that they don’t like the people he surrounds himself with.” (Rose Garcia)