Abante Tonite Interactive

Seungri babu na sa showbiz

0 168

tonite-annyeong-rose-garciaNag-anunsiyo si Seungri na magreretiro na sa edad 28. Siya ang pinakabatang miyembro ng Bigbang. Ang dahilan?

Ang kinasasangkutan niyang mga scandal ngayon, kabilang ang kontrobersiya na dala ng Burning Sun Club at ang diumano’y pagpo-provide niya ng sexual escort services sa mga foreign investors.

Pagkatapos niyang maki­pag-cooperate sa police investigation, ang Seoul Metropolitan Agency ay binawalan na siyang makalabas ng bansa. Lu­malabas na mula sa pagiging person of interest, pagkatapos ng halos walong oras na investigation ay nauwi na sa pagiging suspek ang status niya.

At dahil daw mag-e-enlist na si Seung­ri sa March 25 sa mandatory military service kaya mas pinapadali raw ng police ang isinasagawang investigation. In fact, recently, may balita rin na lumalabas na diumano’y may hidden camera footages ng illegal sexual act na nadiskubre. Diumano’y bukod kay Seungri, may iba pang celebrities na kasama rito.

Pagkatapos ng inilabas na report ng Seoul Police, nag-post si Seungri na magre-retiro na sa entertainment industry.
Narito ang english version ng IG post niya.
“This is Seungri.

“At this point, I think it would be best if I retire from the entertainment industry. I decided on retiring from the entertainment industry as the issues that I caused a societal disturbance with are too major. Regarding the issues that are being investigated, I will be investigated diligently and reveal all the suspicions.

Receiving criticism and hate from the public for the past month and a half and with the situation of all the investigative agencies in the country currently investiga­ting me, I am even being cornered as a traitor of the nation. I personally cannot tolerate cau­sing harm to everyone around me in order to save myself.

“I sincerely thank all of the fans in and outside of Korea who have given me lots of love for the past 10 years, and I think this is where I stop even if it’s at least [to protect] the honor of YG and BIGBANG.
“Again, I am sorry and apologize once again.

“I have been thankful to everyone until now.”

Marami ang nagmamahal kay Seungri at sa grupo nilang Bigbang. Talagang umiiyak ang karamihan sa mga fan niya. Ang iba ay nagmamakaawa na huwag ituloy ang pagre-retiro.

Alam daw nilang ginagawa ito ni Seungri para hindi na madamay sa scandal niya ang apat pang miyembro ng Bigbang. Gayundin ang kanilang agency na YG Entertainment. Sana raw ay hintayin na lang kung ano talaga ang magi­ging resulta ng kasong ito.

Personally, wish namin na sana nga ay mapatuna­yan ni Seungri na inosente siya sa mga kinasasangkutan niyang scandal. Napakarami pang oportunidad na puwedeng dumating sa kanya lalo’t mahusay siyang performer.