Abante Tonite Interactive

Seungri ikinumpara ang Blackpink sa Bigbang

83

tonite-annyeong-rose-garcia
Ang nag-iisang aktibo at visible member ng Bigbang na si Seungri ang naging special guest ng Blackpink sa kanilang first solo concert sa Korea.

Ginanap ang concert noong November 10 sa Olympic Gymnastics Arena sa Seoul ang “In Your Area.”

Maraming fan, lalo na ang mga tagahanga ng grupong Bigbang ang natutuwa kay Seungri bilang pinaka-maknae (pinakabata sa grupo). Tila hindi raw nawala sa limelight ang grupo nila dahil sa sipag ni Seungri na mag-promote kahit solo na lang muna ito. Lahat kasi ay kasalukuyang nagsi-serve ng mandatory military service.

Nag-perform si Seungri ng ilan sa mga hits ng Bigbang tulad ng “Bang Bang Bang” at “Fantastic Baby.” Gayundin ang solo tracks niya na “Where R U From” and “1, 2, 3!”

Mas marami ang naaliw kay Seungri na kahit solo guesting niya, parang buong grupo pa rin daw ang nakasama ng audience. Inihalintulad ni Seungri ang Blackpink sa Bigbang.

Sey niya, “Blackpink is doing so well these days that I can’t bring myself to use banmal [informal language] with them.

“It’s an honor to be here as a guest at Blackpink’s concert. This gymnastics arena was also the venue of Bigbang’s first concert, and I’m certain that, starting from this gymnastics arena, Blackpink will stretch out to take over the entire world.”

May paandar rin si Seungri sa bawat member ng Blackpink. Nakikita raw niya ang pagkakapareho ng mga miyembro.

“When I look at Blackpink, I feel like they share a lot of similarities with Bigbang,” saad niya.

“Whenever I see Jennie, I’m always reminded of G-Dragon. It seems like she’s always in Paris. She keeps taking photos with fashion designers and posting them online.

“When I see Lisa, I keep thinking of Daesung. She has a bright aura and seems full of energy. When I see Jisoo, I’m reminded of T.O.P, who is random and unpredictable but also charismatic.

“When I see Rosé, I think of Taeyang. She has strong vocals and has a lot of soul as an artist.”

At saka nagbiro na, “Blackpink doesn’t need a member like me,’ dahil sakto lang ang apat na miyembro ng Blackpink sa members nila na naka-enlist.