Abante Tonite Interactive

Seungri mas bet ang Hollywood kesa Korean star

2,957

HANGGANG ngayon ay ginagawa pa rin lalo na ng mga celebrity ang pagpa-participate sa ALS ice bucket challenge. Ang ALS (amyothropic lateral scleriosis) o Lou Gehrig’s di­sease na tawag sa US, kunsaan nagiging sanhi para mawalan ng kakayahan ang mga muscle dahil tila pinapatay nito ang mga neuron.

Simula nang mag-viral ang ice bucket challenge noong 2014, maraming celebrity ang nag-participate.

Kamakailan lang nga, ang ice bucket challenge ng BIGBANG member na si Seungri ang nag-viral sa internet.

Ang challenge na ito ay para i-encourage na mag-nominate ang mga participant na makuhanan ng video habang may bucket of ice water na ibubuhos mula sa ulo nila. Pagkatapos ay magno-nominate naman ng iba na gagawin din ang ginawa nila. A common stipulation is that nominated participants have 24 hours to comply or forfeit by way of a charitable financial donation.

Makikita sa video na ginawa ito ni Seungri sa kanyang private luxurious bar na Monkey Museum.

Sabi ni Seungri, “Hello, I’m BIGBANG’s Seungri. Although I’m a bit late, I too have ended up participating in the 2018 Ice Bucket Challenge.”

“I’m sincerely rooting for the construction of the hospital dedicated to Lou Gehrig’s disease, and I hope that it achieves victory no matter what.”

Sa halip naman na mga kapwa Idols sa South Korea o mga Korean actors at actresses, mga Hollywood stars ang ninominate ni Seungri na susunod na mag-ice bucket challenge.

Aniya, “I nominate Justin Timberlake, Ariana Grande, and Drake. Thank you!”