Abante Tonite Interactive

Seungri nag-sorry sa manager

255
tonite-annyeong-rose-garcia
Nilinaw at humingi ng paumanhin ang pinaka-­maknae ng pioneer South Korean boy group na BIGBANG, si Seungri, sa kanilang “boss” sa YG Entertainment.

 

Naisulat na rin namin dito ang naging galit ng mga fan ni Seungri. Nagbiro siya sa concert niya sa Hong Kong na “The Great Seungri Tour 2019.” Sa kagustuhan niyang makapagpatawa ay sinabi niyang late na nalaman ng YG boss na si Yang Hyun Suk ang concert niya. Pinull-out daw ang mga dancer at wala rin itong band at binigay sa BLACKPINK. Sinabi rin niya na kayang-kaya naman niyang mag-isa.

 

Base sa personalidad ni Seungri na mahilig naman talagang magbitiw ng mga joke, posible nga talagang nagpapatawa lang ito.

 

Sa ngayon kasi, mag-isa lang talaga siyang nagpo-promote dahil lahat ng miyembro ng BIGBANG ay naka-enlist sa military service.

 

Kung magpatawa ang intensiyon ni Seungri, obvious na hindi natawa ang mga fan. Sa halip, nagalit talaga ang mga ito at nag-ingay sa social media sa pamamagitan ng ilang hashtags. At siyempre, matindi ang galit nila  sa YG boss/founder na si Yang Hyun Suk. Pinagbintangan nila itong inaapi ang BIGBANG o hindi umano tinatrato nang tama. Hinaing pa nila,  sa loob ng mahi­git isang dekada, hindi raw matatawaran ang pagiging money maker ng grupo para sa agency.

 

Dahil sa rami na nga ng complaints at pangba-bash, minabuti na ni Yang Hyun Suk na i-post ang text ­message conversation nila ni Seungri. Ipinost nito ang screenshot ng convo nila sa kanyang Instagram account na mababasa ang paghingi ng sorry ng singer.

 

Sinimulan niya ito sa emoji na dalawang tear.

 

Ayon kay Seungri, “I will put an end to the controversy. I’m sorry for everything. I wanted to be funny while talking and I think I went a bit overboard.”

 

Ipinost din ni Yang Hyun Suk ang screenshot ng lu­mabas na article na may hashtag sa Twitter at Instagram na #YGTreatSeungriRight. May nag-comment din na binubura raw ng YG boss ang mga comment.

 

Pero itinanggi niya ito sa pamamagitan ng “YG,” “Seungri” at “VIP” na may mga heart in between. Sinabi niyang, “I have never deleted comments in my life time. I wish everyone a happy new year.”

 

Nag-post din ng comment si Seungri sa ipinaskil na ‘yun ng boss nila. Ginaya rin niya ang “YG Seungri VIP” with hearts. “Sir, I’ll go to the seventh floor any time. I love you. Forever.”
Ang office raw ni Yang Hyun Suk ay sa 7th floor ng YG building.

 

Pero, mukhang hindi pa rin kumbinsido ang lahat ng tagahanga ng grupo.

 

Ilan sa mga nabasa naming komento sa soompi.com, “I  feel seungri probably did say those things in a joking way based on his personality but to say those things, I also feel there is some truth behind it. I hope YG treats him better, BigBang did so much for YGE…”

 

May nag-suggest pa na puwede na raw umalis ang grupo sa agency.

 

“Seungri and Big Bang as a whole just needs to break away from YG, they are big enough to have their own company and Seungri is business savvy enough to run it.”

 

Anyway, ngayong gabi naman sa SM MOA Arena ang “The Great Seungri Tour 2019.” Magsisilbing special guest pa rin niya si Sandara Park.