Abante Tonite Interactive

Seungri namahalan sa presyo ng kape

395

tonite-annyeong-rose-garcia

Solong-solo talaga ng BIGBANG member na si Seungri ang spotlight. Kasalukuyan kasing naka-enlist ang lahat ng miyembro ng isa sa pioneering South Korean boy group.

Hindi halos nawawalan ng balita kay Seungri sa iba’t ibang online portal sa South Korea. Left and right din ang mga guesting niya even before and now na naka-release na nga ang solo album niya.

Si Seungri mismo ang nagsasasabi na among them members of Big Bang, siya raw ang pinaka-less followers sa Instagram. Feeling niya rin siya ang pinaka-less popular, pero to his advantage talaga na siya lang ang naiwan pa na hindi enlisted dahil among them, siya rin ang pinakabata pa sa kanilang lahat. Heto’t solong-solo niya ang lahat ng atensiyon and as a solo artist.

Pero hindi puwedeng i-underestimate si Seungri na pagdating sa yaman. Talaga namang pinakabata man, pero pinaka-accomplished. Bongga ang mga business.­ And in fact, considered na rin na tila C.E.O. or next C.E.O. ng kanilang agency, ang YG Entertainment.

Kaya ganun na lang ang pagka-shock ng cast ng TvN’s ‘Salty Tour’. Nag-guest ang singer/idol sa episode nila sa Xiamen, China.

Eh, bago pa ang tour, humirit pa si Seungri sa cast at naikuwento ang ilan sa mga ginagawa niya kapag nagtu-tour.

Aniya, “I used to hold ultra-luxurious parties, inviting foreign guests and famous chefs in the past, but I’m trying to do the tour with a humble mind.”

Pero habang nasa tour, tila nagulat si Seungri at hindi makapaniwala na ang isa sa cast ng Salty Tour na si Park Na Rae ay kailangan matulog sa punishment room dahil nag-exceed ng 23.5 yuan (approximately $3.42).

Napa-confess si Seungri sa isang cast dahil dito na si Jung Joon Young na, “This was the most difficult variety program I’ve been on after I debuted in BIGBANG. If you don’t pay attention, that’s what you become. I got shocked.”

Nagsilbing realization din kay Seungri ang guesting niya sa Salty Tour. Kinailangan niyang pag-isipang mabuti ang magiging spending nila at budget sa napakaliit na halaga.

Shocked ang cast nang marinig nila mismo kay Seungri na namamahalan na ito sa 5,000 won na halaga ng kape at desserts. Lalo na at si Seungri mismo ang nagkuwento kung gaano siya mag-spend sa isang luxurious tour.

Ang naging realization­ nga ni Seungri, “While planning the tour and checking each and every­ single thing, I self-reflected about the life that I lived.

“The thought I had while doing ‘Salty Tour’ was, if I could be happy with this amount of money, what was all of the money that I spent until now? What’s worse is, even after I spent large amounts of money, there were many times where I wasn’t that happy. I can definitely feel happy with small things. It made me look back at my past expenses and self-reflect on the ways I spent money. I had many different kinds of thoughts.”