Abante Tonite Interactive

Seungri pinapa-delay ang pagpasok sa military

214

tonite-annyeong-rose-garcia
Araw-araw halos ay may bagong balita tungkol sa on-going police investigation sa patong-patong na kaso na laban sa pinakabatang mi­yembro ng South Korean boy group na BIGBANG na si Seungri, gayundin ang tatlo pang K-stars/idol na sangkot sa chat room.

Noong March 14, kasama ang isa pang akusado na si Jung Joon Young ay suma­ilalim muli si Seungri sa ikalawang police investigation. Na bukod nga sa ­providing escort o prostitution sa ­foreign investors, kasama na rin ang habitual gambling abroad sa kaso niya.

Bago pa magpa-terminate ng kanyang kontrata sa YG Entertainment, inanunsiyo na ng YG na sa March 25 ang date of mandatory military enlistment ni Seungri.

Pero, pagkatapos ng kanyang ikalawang police investigation, nagpahayag ito na magre-request daw kung pupuwedeng ma-delay pa ang enlistment niya. Ang dahilan nito, para raw makumpleto niya ang lahat ng kailangan sa investigation.

“I have finished the investigation for today. If it’s possible, I plan to delay my military enlistment date. I will make the official request today to the Military Manpower Administration. If they give permission, I will delay the date in order to complete the investigation until the very end.”

Galit na ang karamihan ng netizens kay Seungri. Yung iba, tahasang sinasabi na gusto nilang makita ito in jail.

Dahil sa pagre-request niyang ma-delay ang pag-e-enlist, ilang netizens ang nagkomento na posible raw kasi na mas mahihirapan ito kapag nasa loob na ang gagawing paglilitis sa kanya. Baka raw mas magiging istrikto sa kanya. Dahil dito, umiiwas umano si Seungri.

Related Posts

Pero may nagsabi naman na baka nga raw mag-die-down ang kaso kapag nasa loob na si Seungri.

Naglabas naman ng official statement ang Military Manpower Administration sa request ni Seungri.

Ayon kay Ki Chan Soo, the Chief of the Military Manpower Administration, malamang daw ay imposibleng i-delay ang enlistment ng singer.

“Because there are no legal grounds allowing the Military Manpower Administration to delay [Seungri’s] enlistment, if the situation persists as it is, [Seungri] will be investigated in the military after enlisting.

“If he makes the request to postpone his enlistment date, we will take a look at his reasons and carefully examine them.”

Narito ang ilang posibleng grounds para ma-delay sa MMS according to Article 129 Paragraph 1 of the Enforcement Decree of the Military Service Law.

1. A person who is unable to fulfill his military duty due to an illness or mental disorder.

2. A person whose family member residing in the same household, such as his lineal ancestor or descendant, spouse, sister or brother, is greatly ill or has passed away, and thus requires him to care for the family member or make funeral arrangements.