Abante Tonite Interactive

Seungri tinawag na baliw ni G. Dragon

6,271

tonite-annyeong-rose-garciaNakakaaliw ang pinakabatang miyembro ng BIGBANG na si Seungri. Siya na lang din ang nag-iisang miyembro ng South Korea’s pioneering boyband na Big Bang na hindi pa nagpapa-enlist sa military.

Si Seungri ang laman ng halos karamihan ng mga Korean entertainment news dahil sa mga gues­ting niya sa iba’t ibang shows at mga interview. May kaugnayan ito sa kanyang The Great Seung­ri album featuring his track, 1,2,3!
At dahil nga nasa loob ng army camp ngayon ang apat na miyembro, aliw ang kuwento ni Seungri na naisip daw niyang hiramin sana ang personal Instagram account ng kanilang leader na si G. Dragon. Meron kasi itong 16 million IG followers, huh!

Naisip daw niyang gamitin ito para mai-promote sana ang solo album niya pero hindi raw pumayag si G. Dragon.

Kuwento ni Seungri nang mag-guest sa MBC’s Section TV na, “G-Dragon hyung has many follo­wers on social media so I asked him if I could use it. He called me crazy.”

Pero dinadaan man sa biro ni Seungri, inamin nito na ibang-iba pa rin daw kapag nagpo-promote siya na buong grupo sila. And that, nami-miss daw niyang talaga ang mga hyung niya. Ang hyung ay ang tawag ng mga Korean sa kuya ng nakababatang lalaki either miyembro ng pamilya o kaibigan.

Sa naging guesting naman niya sa SBS’s reality show na Ugly Duckling, inamin niya ang pagka-miss niya sa mga ito lalo ngayong nagpo-promote siyang mag-isa.

Aniya, “It’s lonely, of course. I’m lonely. When I was with the other members, they would say things like, ‘Hey, what should we go eat [after this]?’ and ‘Hey, have you tried that restaurant?’ and ‘Hey, let’s go to such-and-such place!’ throughout our scheduled activities.

“All five of us would get excited over the smallest things. It was great. Now I have to eat by myself.”

Dugtong pa niya, “The other members played lots of pranks on me and joked around a lot. I miss their nagging.”

Next year, 2019 naman nakatakdang magpa-enlist sa military ang singer/producer/businessman/composer/actor.