Abante Tonite Interactive

Seungri, Yoo In Suk gustong ipakulong nang 48 hours

281

Ilang buwan na ang itinatakbo ng imbestigasyon sa kaso ng Burning Sun Club, kay Seungri at sa iba pang K-pop artist na sangkot sa kasong ito.

Pero kahapon, May 8, lumabas sa ilang Korean news portal na nagre-request daw ang police para magkaroon ng pre-trial detention warrants para kina Seungri at Yoo In Suk.

Ang pre-trial daw ay ina-allow ang mga suspek na ma-detain ng mahigit sa 48 hours, lalo na kung may potential ang mga ito na umalis ng bansa o manira ng mga ebidensiya.

Ang kasong kinasasangkutan nina Seungri at Yoo In Suk ay media-ting prostitutions at embezzling funds from Monkey Museum noong 2015 at 2017.
***

‘99’ ni Lee Seung Gi palaisipan

Ang much-antici-pated K-drama na “Vagabond” ni Lee Seung Gi ay kumpirmado na ngang ipalalabas ng SBS sa Saturday-Sunday slot ngayong September 2019.

Kumpirmado na rin na mapapanood ito worldwide. Shortly after na ipalabas sa Korea, mapapanood na agad ang “Vagabond” sa 190 countries sa pamamagitan ng Netflix.

Makakatambal muli ni Lee Seung Gi sa ikalawang pagkakataon si Bae Suzy at kasama rin nila si Shin Sung Rok.

Nag-post si Seung Gi sa kanyang Instagram account na  @leeseunggi.official ng ilang behind the scenes pictures at may caption na 99!!! Palaisipan sa mga fan kung ano ang ibig sabihin ng caption niya na 99. Kung 99% complete na raw ba ang filming na kulang isang taon na rin nilang ginagawa?