Abante Tonite Interactive

Seve nina Toni-Paul, sobrang cute

By
3

ISANG taon na ang anak nina Paul Soriano at Toni Gonzaga na si Seve last Saturday (Sept. 30, aktwal na araw ng kapa­nganakan) na ginawa sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City.

Kumpleto ang buong pamilya ng magkabilang panig at ilang malalapit na kaibigan nila sa loob at labas ng showbiz.

Giliw na giliw ang lahat sa ka-cute-an ni Seve, lalo na ang lola nitong si Mommy Pinty.

Biniro naman namin si Daddy Bonoy na vice mayor ng Taytay, Rizal na mabuti ay nakadalo s’ya sa birthday celebration ng apo, dahil sa sobrang busy n’ya sa trabaho.

Related Posts

“S’yempre, first, eh. Inimbitahan ko na rito ang mga ka-meeting ko,” sagot ng lolo.

Maging si Alex ay aliw na aliw at asikasong-asikaso sa pamangkin n’ya kahit walang okasyon na tila bet na rin n’yang magkaroon ng sariling baby.

Kasama nito sa party ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Mikee Morada na ang guwapo at ang lakas pala ng dating sa personal!

Bago pa maging sila ng jowa n’ya ay nakuwento sa amin ni Alex na si Piolo Pascual daw ang nagpakilala sa kanila sa isa’t isa, kaya naman pakiramdam n’ya na mabait ito at maka-Diyos.

Dahil nu’ng Sabado rin ginawa ang first birthday celebration ni Baby Seve, hindi naka-attend ng Star Magic Ball ang TV host-actress at hindi na n’ya inisip pang humabol, kahit gabi pa ito nagsimula.