Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sewerage Treatment Plant sa Hinulugang Taktak inaksyunan

0 87

Upang matiyak na de-kalidad at malinis ang dumadaloy na tubig sa Hinulugang Taktak, binili na ng lokal na pamahalaan ng Antipolo ang kapirasong lupa na paglalagyan ng Sewerage Treatment Plant sa makasaysayang spot.

Kamakailan ay nagkapirmahan na rin ng MOA sa pagitan nina DENR Secretary Roy Cimatu, Manila Water President Rene Almendras, COO Abelardo Basilio at Antipolo Mayor Andrea “Andeng” Ynares.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tiniyak ng mayora na matapos ang kasunduan ay mapapanumbalik ang magandang kalidad ng tubig sa Hinulugang Taktak matapos maitayo ang treatment plant sa nasabing lugar.

Kinilala rin ng mayora ang malaking tulong sa sanitasyon ng itatayong wastewater facility para sa kanyang mga nasasakupan at siniguro ang suporta ng kanyang opisina para sa proyekto.

Pinapurihan naman ni Sec. Cimatu ang pagtutulungan ng Manila Water at Lunsod ng Antipolo at binigyang-diin ang kahalagahan ng public-private partnership tungo sa pangangalaga ng kalikasan, lalo na ng mga daluyang tubig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.