Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sex den bistado sa boarding house

0 195

Nasagip ang tatlong dalaga matapos ang ginawang raid ng awtoridad sa isang boarding house na pinaniniwalaang sex den sa Bayombong, Nueva Vizcaya nitong Huwebes.

Sa report, ayon sa Bayombong Police Station (BPS), ang mga suspek na nagmementina umano ng boarding house sa Maharlika Highway, Purok 2, Bayombong ay sina Paul Butal Jr., 47, ng Solano, Nueva Vizcaya; Juliata Morales, 40, ng Sta. Rosa, Laguna; at Ashley Santos, 20, ng Tangos South, Navotas City.

Sinasabing si Butal, driver, ang nagsasakay sa mga biktimang dalaga para ipunta sa kanilang mga customer habang si Morales ang may-ari ng boarding at si Santos ang nagsisilbing bugaw.

Ang tatlong babaeng pawang 17-anyos na nailigtas sa nabanggit na operasyon ay kinabibilangan ng dalawang residente ng Aparri, Cagayan at isang residente ng Santiago City na siyang mga nagsilbing mga police asset.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matapos makumpirma na positibo ang mga ilegal na aktibidad ng mga suspek, ikinasa ang operasyon sa nasabing boarding house na dinarayo ng mga parokyano.

Napag-alaman na may ilan pa umanong menor de edad na ibinubugaw sa lugar at napipilitan lamang sila dahil sa pagkakautang kay Morales.

Matagal na umano ang operasyon ng sex den na hinihinalang nagsimula pa noong pagpasok ng pandemya. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.