Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sex den sa QC sinalakay

0 61

Nilusob ng mga ope­ratiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Utopia Health Spa na bagama’t pinagbabawal pa ang pagbubukas habang nasa modified lockdown ang Metro Manila ay patagong nag-o-operate. Sinasabing front pa umano ito ng prostitusyon sa Quezon City.

Nagulantang ang mga nag-iinuman at ang mga kostumer na nasa loob ng mga kuwarto ng spa na matatagpuan sa Timog Ave., nang bigla silang pasukin ng mga NBI agent.

Sa takot ay nagsitak­buhan ang mga kostumer, at ang ilan sa kanila ay naiwan pa ang mga sapatos at tsinelas. Mayroon pa umanong umakyat sa bubong pero hinabol din ng awtoridad at agad nadakma.

SM food to go Banner Ad

Nahuli ang tatlong empleyadong babae sa spa na nagsabing hindi sila nagbibigay ng extra service. Wala naman ang mga namumuno sa gusali nang sumalakay ang mga awtoridad.

Ayon kay NBI special task force chief Bernard dela Cruz, may mga nakapag-tip sa kanila na ang Utopia ay front ng prostitusyon at humigit-kumulang sa P3,000 ang singil sa bawat babae. Kailangan din umanong may ‘booking’ muna ang kliyente bago makapasok.

Mahaharap sa patong-patong na kaso ng human trafficking at paglabag sa quarantine guideline ang pamunuan ng spa habang itinurn-over naman sa Department of Social Welfare and Development ang mga babaeng nasagip mula sa sinasabing prostitusyon. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.