Abante Tonite Interactive

Sex education sagot sa teenage pregnancy

226

Bahagi ng progra­mang ilulunsad ng Po­pulation Commission (PopCom) ang sex education para matugunan ang lumalalang problema ng bansa sa teenage pregnancy.

Ayon kay PopCom executive director Undersecretary Juan Antonio Perez III, sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at ilan pang ahensya ng gobyerno, ay bumuo sila ng kampanya para mabawasan ang bilang ng adolescent birth rate sa bansa.

Kabilang umano dito ang pagpapatupad ng sex education ng Department of Education (DepEd) sa susunod na school year.

“Nakatutok din kami sa teen pregnancy, actually ang usapan namin sa cabinet with DSWD, DOH at iba pang agency gagawa kami ng roadmap on teen pregnancies how to reduce by 50% at maging zero ‘yung repeat pregnancy, ‘yun umuulit teenager ka nagbubuntis ka uli ng twice or thrice,” paliwanag ni Perez sa 2019 National Kaunlarang Pantao Awards na ginanap sa Pasig City.(Vick Aquino)