Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sex for sale sa Batangas: 14 nasagip, 4 nabitag

0 81

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat katao dahil sa human trafficking habang nasagip naman ang 14 kababaihan sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ng NBI ang mga kinasuhang suspek na sina Wilson Ebreo, Alora Almoguera, June Derilo, at Robin Señar. Nakatakas naman ang isa pang suspek na si Mary Grace Flores.

Nag-ugat ang pag-aresto laban sa mga suspek sa ibinigay na impormasyon ng Destiny Rescue Pilipinas Inc. (Destiny), isang NGO na nakatutok sa paglaban sa human trafficking.

Sangkot umano ang isang mag-asawa sa ‘sex for sale’ ng ilang babaeng menor de edad at maging ang kanilang mga batang anak.

SM food to go Banner Ad

Isang operatiba ng NBI-Special Task Force ang umaktong parokyano kung saan umaabot sa P3,500 hanggang P6,000 ang bayad sa mga iniaalok na babae kapalit ang pakikipagtalik.

Nagsagawa umano ang NBI ng surveillance sa inuupahang bahay nina Ebreo at Almoguera at nang makumpirma ang iligal na aktibidad ay ikinasa ang operasyon.

Nitong Hunyo 20, nakipagtransaksiyon sa mga suspek ang mga pekeng parokyano at nang tanggapin ng nauna ang bayad ay dito na sila dinakip ng NBI.

Samantala, nasagip ng awtoridad ang 14 babae, kabilang ang 3 menor de edad at isang 9 buwang sanggol na kasama pa ng kanyang ina. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.